Magnificent 7 magbibigay ng tig-₱50K: Reward sa killer ni Batocabe patuloy sa paglobo

Magbibigay ng tig-P50,000 ang mga kongre­sista mula sa hanay ng oposisyon na kasapi ng tinaguriang Magnificent 7 para sa agarang ikadarakip ng mga killer ni Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe at police escort nito na si SPO1 Orlando Diaz.

Ito ang inihayag ni Albay Rep. Edcel Lagman.

“A matching amount will also be donated by the Magnificent 7 members to be divided equally between the Batocabe and Diaz families, which amount shall be at their disposal, including the establishment of a foundation, on the part of the Batocabe family, to strongly and effectively campaign for the elimination of the culture of violence and impunity,” pahayag ni Lagman.

Matatandaan na umaabot sa P17 mil­yon ang pabuyang ipagkakaloob ng Ako Bicol Party-list group at ni Albay Governor Al Francis Bichara para sa ikadarakip ng lahat ng sangkot sa pagpaslang kay Rep. Batocabe at bodyguard nito.
Nabatid na ang P15M ay galing sa Ako Bicol Party-list group habang P2M kay Gov. Bichara.

Posibleng mahigit sa P30 milyon ang kabuuang reward money na malilikom dahil na­ngako ang mahigit 150 kongresista na magbibigay ng pabuya.

“It is hoped that the counterpart amount for the bereaved fami­lies, who suffered irreparable loss and i­nordinate grief, will be augmented by similar contributions from other representatives,” ayon pa kay Lagman.
(Aries Cano)