Niyanig ng magnitude 4.9 aftershock ang lalawigan ng Davao del Sur dakong alas-7:59 kagabi at nakapagtala rin ng mga paglindol sa iba pang lalawigan ng Mindanao.

Ito’y matapos ang magnitude 6.3 quake na naganap noong nakaraang linggo na yumanig sa ilang lalawigan sa Mindanao.

Ang naitalang magnitude 4.9 sa Davao del Sur ay kasunod ng magnitude 4.8 aftershock sa nasabing lalawigan na naganap dakong alas-7:50 kagabi, Linggo.

Nakapagtala rin ng magnitude 4.8 sa lalawigan ng Cotabato dakong alas-4:55 ng hapon.

Halos magkakasunod ang aftershock na naramdaman sa Mindanao kahapon, partikular sa Davao, South Cotabato, Sultan Kudarat at Leyte pero pinakamalakas sa Davao del Sur .