Sa pagkakaalam ko ay marami tayong distrito ng kapulisan sa Metro Manila. Ang Manila ­Police District, Northern Police District, Southern Police District, Eastern Police District at Quezon City ­Police District.

Pero bakit yata iilang distrito lang ang aktibo sa kampanya kontra iligal na droga at kriminalidad?

Ano ang ginagawa ng ibang distrito gayong to the highest level na ang isinasagawang giyera ng Philippine National Police (PNP) sa iligal na droga­ dahil sa panibagong pagpapalawig pa sa kampanya­ na hirit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa taumbayan?­

Sa dami kasi ng distrito ng ating kapulisan sa Metro Manila ay tanging itong si QCPD acting­ District Director Senior Supt. Guillermo Lorenzo­ ­Eleazar ang nakikita nating nagtatrabaho at ­tumatalima sa direktiba nina Pangulong Rodrigo­ Duterte at PNP chief Director General Ronald ­dela Rosa na tuldukan ang problema sa iligal na ­droga sa bansa.

Anyari sa iba pang distrito? Kumilos naman kayo at huwag ipagkatiwala sa nagsasamantalang vigilante group ang pagwalis sa landas ng mga sangkot sa iligal na droga.
Mas masarap namnamin ang isang drug-free city kung ang tagumpay ay bunga ng paggalugad ng mga miyembro ng kapulisan sa mga sangkot sa iligal na droga at hindi dahil itinumba ang mga ito ng mga galamay ng sindikato sa iligal na droga at takot lamang na mapahinto ang operasyon kaya ­kahit kanilang mga kakampi ay tinotodas.

Maging inspirasyon sana ng ibang distrito ang istilong ginagawa ng QCPD lalo na sa lugar na kinatatakutan pagdating sa iligal na droga ang ­Barangay Culiat.

Sa ngayon, ayon nga kay Col. Eleazar, ay malapit na nilang malinis sa iligal na droga ang lugar.

In fairness sa QCPD director, hindi niya sinosolo ang credit sa unti-unting tagumpay na inaani kundi nagagawa raw nila itong galugarin dahil sa suporta ng mismong mga opisyales ng Barangay Culiat at ng mga nirerespetong elders ng Muslim community.

Kung ganitong praktis lamang ang ipatutupad sa lahat ng distrito hindi lamang sa Metro Manila kundi sa buong bansa ay magiging madali para k­ina Pangulong Duterte at Gen. Bato na malinis sa iligal na droga ang bansa.

Kaya sana ay makita ng ibang chief of police ang pagtutulungang ginagawa sa QC na isang napakalawak­ na siyudad pero unti-unti ay nalilipol­ na ang sangkot sa iligal na droga sa lungsod.

Kay Col. Eleazar at sa mga opisyales ng bawat barangay sa QC, ipagpatuloy niyo ang inyong ­pagtutulungan hanggang sa tuluyan nang maging isang matahimik at ligtas para sa komunidad ang Quezon City.

One Response

  1. well, medyo napapabalita n din ang manila police district. biruin mo napasok nila yung lugar ng mga muslim na panahon pa ni marcos niraid ng kapulisan. nagtataka din ako dito sa mga kapulisan sa pasig, ang daming addict dyan pero mangilan ngilan lang ang nababalitaang tokhang at drug raid. baka totooo ang tsismis n drugloard ang mga eusebio dyan