Magpinsan nakakulong sa Saudi

punto-de-oro-box Gani Oro

May natanggap akong public service­ mula sa isa sa mga listene­r ng overseas Filipino ­radio program­ ng ating kababa­yang si Gerry­ Grutas na nakabase sa Seattle, ­Washington, USA.

Tungkol ito sa magpinsan na nakulong sa Dammam, Saudi Arabia­, dahil nahuli ng kanyang among babae na umano ay nakipag-usap ito sa kanyang pinsan na gusto lamang sana magpadala­ ng pera sa kanyang nanay dito sa ­‘Pinas.

Nakipagkita umano­ ito sa kanyang pinsan para ibigay ang pera na kanyang ipadadala suba­lit nakita sila ng kanyang amo. Tumawag daw ito ng pulis at ipinaaresto ­silang dalawa.

Marahil ay magtataka kayo bakit sa ganitong ­kasimpleng situwasyon ay kailangan nilang makulong?

Para sa kaalaman ng marami, mahigpit na ipi­nagbabawal ng kanilang batas sa Saudi Arabia ang pakikipag-usap ng lalake sa mga babae kung hindi­ sila legal na mag-asawa at lalo na kung silang dalawa lamang ang magkasama.

Marahil ay hindi ­exempted sa batas na ito kahit sila ay magpinsan kaya silang dalawa ay ­nakulong sa salang pakikipagkita ng babae sa pinsan niya na isang lalake­ dahil isa nga itong mala­king kasalanan sa kanilang batas.

Nais nating iparating­ sa Department of Foreign­ Affairs ang problemang ito para sila ay matulu­ngan. Ang nakakulong ay nakilalang si Jean Rose Guantero. Hindi nabanggit ang pangalan ng kanyang pinsan na kapwa niya nakulong.

Dahil sa bilis ng maka­bagong komunikasyon gaya ng facebook at messenger kaya madaling nakakaabot sa kaalaman ng marami­ ang anumang nagaganap ­kahit saang sulok ng mundo.

Akin na pong direk­tang ipapaabot ang de­talye ng impormas­yong ito sa kinauukulan. Sana ang kasing-­bilis din nito ang gaga­wing ­pag-aksyon ng DFA at ng ating embahada sa natu­rang bansa.