Ubusan ng lahi na ang nangyayari sa pagpapatuloy ng giyera kontra ilegal na droga ng gobyerno.
Patunay rito ang tatlong magpipinsan na sabay-sabay na pinabulagta sa isang buy-bust operation na ikinasa kamakalawa ng hapon sa Tondo, Maynila.
Lumalabas sa ulat ng pulisya na alas-4:45 ng hapon nang isagawa ng mga kagawad ng Delpan Police Community Precinct at Station Drug Enforcement team ng Manila Police District-Police Station 2 ang buy-bust operation sa nasabing lugar.
Napag-alaman kay SPO2 Richard Escarlan, may hawak ng kaso ng MPD-Homicide Section na nauwi sa barilan ang isinagawang buy-bust operation sa mismong bahay ng mga magpipinsang suspek na kinilalang sina Leonardo Dela Cruz y Albos, alyas Bebe, 20-25 anyos; Rodrigo Albos, alyas Digoy, 50-55 anyos; at Reynaldo Dela Cruz y Albos alyas Nognog, 30-35 anyos, pawang residente ng no 223-B Sandico St., Tondo, Maynila.
Tinangka pang isalba ang mga suspeka at isinugod sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) pero agad na binawian ng buhay ang mga ito.
Bago ang engkuwentro ay nakaakyat umano ng ikalawang palapag ng bahay ng mga suspek ang poseur-buyer na si PO2 Gabriel Mandap at nakabili kay Bebe ng P500 halaga ng shabu pero nakahalata umano ito na pulis ang katransaksiyon at itinulak ang pulis kasabay ng malakas na sigaw na “Putang ina pulis pare!”.
Nang marinig umano nina Digoy at Nognog ang sigaw ni Bebe ay mabilis umanong kumuha ng baril at pinaputukan ang pulis na hindi naman tumama.
Nagpaputok na rin ang mga nakaalalay na si PO3 Gener Paguyo at binaril si Digoy na agad bumulagta.
Nakita naman ni SPO1 Christopher Lobrin na papuputukan ni Nognog si PO3 Paguyo kaya siya naman ang bumaril kay Nognog na tinamaan sa katawan.
Sa pag-entra ni Senior Insp. Anthony Sy, hinimok niya si Bebe na sumuko pero nakita nila na may hawak na itong granada at ibabato na sa mga operatiba kaya inasinta na siya ni PO3 Rex Munoz at tinamaan si Bebe.
Sa imbestigasyon ni PO3 Jansen San Pedro, imbestigador ng MPD-P2, nakuha kay Bebe ang isang MK2 hand fragmentation grenade, limang plastic sachet ng shabu, buy-bust money na P500; kay Digoy naman ay isang kalibre 38 at tatlong bala, dalawang plastic sachet ng shabu habang kay Nognog ay narekober ang anim na plastic sachet ng shabu, isa pang kalibre 38.
Good very good!!
Cgvubusin lahat ang mga peste