Magramo atat na vs Nakatani

Buwena-mano atletang Pinoy si Giemel Magramo na sasampa ng world sports stage mula nang magka-lockdown sa bansa noong Marso dail sa pandemic COVID-19.

Tatapatan ng 25-taong-gulang, may taas na 5-4, tubong Parañaque City at reigning World Boxing Council (WBC) international flyweight champion si Japanese Junto Nakatani sa Korakuen Hall sa Tokyo, Japan sa Agosto 1 para pag-agawan ang bakanteng World boxing Organization (WBO) flyweight title.

Noong April 4 pa amh orihinal na petsa sa nakatakdang 12-round fight, naurong sa Hunyo 6 dahil sa global outbreak bago nag-go-signal ang Japan Boxing Commission (JBC) na nagpagigil kay Magramo laban sa Hapones.

Kahit bukas ito sa publiko mahigpit na paiiralin ang precautionary measures.

Bago makapasok sa venue ang mga manonood, kailangang sumailalim sa temperature check at one-seat apart sa kanilang mga silya.

Dapat ding mag-face mask at gloves ang kanilang cornermen, at idi-disinfect angboxing ring kada 30-minute break. (Aivan Denzel Episcope)