Magsalamin sa mata, magbaon ng tubig

Base po sa aking karanasan, nais kong i-share naman ngayon sa inyo mga kapwa ko mananakbo, ang pagsasalamin (sun glass) na hindi dark color, light color dapat kung mag-ja-jogging-running tayo sa umaga sa lbas n gating tahanan.

Siyempre pati ang pagbabaon ng tubig kahit sa maliit na container o nabibiling purified bottled water.

Iyan po ang dalawang bago nating maipapayo dear runners/joggers.

Noong nakaraang Martes natalakay ko ang pagsusuot na rin ng face mask sa new normal. Pero ang ginagawa ko kung wala akong makakatabi, katabi, masasalubong, kasalubong, binababa ko muna siya dahil mahirap kapusin ng hininga.

Balik po ako sa sun glass at bottled water, parehong kailangang-kailangan po ito sa kalsada habang natakbo o nag-ja-jogging ka. Kasi kahit tag-ulan na tayo, mainit pa rin talaga ang klima.

Maaga pa madalas masakit na ang araw sa ating mga mata ati madal rin tayong mauhaw dahil sa init.

***

Patuloy po nating idadalangin na may matuklasan ng gamot o iniksiyon, o kaya’y kusa na lang maglaho ang Covid-19 pandemic. Siyempre hindi lang sa ating bansa, kundi sa buong mundo, para makabalik na ang lahat sa dati, pati po ang sports events.

Mag-ingat pa rin po tayo araw-araw, panatilihinng malakas ang ating katawan.

***

Kung may na is po kayong itanong o gusto ninyong magreaksiyon, mag-email lang po sa ramilcruz2003 @gmail.com, ramilcruz2003@yahoo.com.

Hanggang sa susunod pong Martes mga Ka-Abante TONITE.

God bless us all!