Magsampa ng petition for reconstitution of title

Clear It by Atty. Claire Castro

Dear Atty. Claire,

Good day po, tanong ko lang po. Ang bahay ko po ay natayo ng 2012, nabili ko po ang lupa 1200/ sq.m. Ang bahay ko po ay 65sq.m.

Tsineck ko po sa LRA (Land Registration Authority) ang status po ng lupa is closed, closing date is Oct.30,2012. Pero may binibigay po siya sa akin na resibo ng amilyar since 2012 lang po kung kelan po ako nakapagpatayo. Year 2012 below di po sila nakabayad amilyar.

Mawawala po ba bahay ko pag ka ganon or ano po pwede mangyari? At ano po pwede kong gawin for the safety of my property. Yung titulo po ayaw pakita kesyo naanay, nawala. And pati po resibo ng amilyar parang ayaw pa ibigay.  Salamat po,

Genelyn

Ms. Genelyn,

Unang tanong ko ay kung  may hawk ka bang title ng lupa? Sino at anong ahensya ang yaw magpakita ng titulo mo?

Dapat na ikaw   at ang Registry of Deeds kung saan dapat nakarehistro ang lupa mo ay kana kanyang copy ng titulo ng lupa.

Kung may hawk ka at ang RD ang hindi makapagpakita ng titulo ay humming ka ng Certificate na nwawala ang titulo mo at saka ka magsampa ng Petition for Reconstitution of Title.

Kung ang nagbenta naman ng lupa  ang hindi makapagbigay ng titulo ay medyo problema iyan. Sa simula pa lamang ng bentahan ay dapat akita mo na ang original na titulo at kapag nabayaran mo na ng buo at dapat  na ibigay na ang titulo sa iyo upang mailipat sa pangalan mo.

Hindi mo rin naman maisasalin ang rights ng lupa at bahay kung hindi niya bayed ang amilyar  ng lupa. Dapat ay naibigay niya sa iyo ang Tax Clearance bago mo pa binayaran siya ng buo.

Tungkol naman sa amilyar o real property tax ay dapat na mabayaran mo cyan upang hindi mapasubasta ng Local Government ang ari ariana napundar.

I hope na mayroon sang building permit at lahat ng permit na kailangan bags mo pinatayo ang bahay mo upang ma inspect ng engineering department ng local at maitala sa Office ng Treasurer at Assessor’s Office.

Kung hindi mo ito nagawa ay makipag ugnayan muna sa Engineering Department at ayusin lahat ang kailangang papeles upang mai inspect at maiayos na rin ang resistor ng bahay/building sa Office of the Assessor. Barayan lahat ang amilyar mula 2012.

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 410 7624 o mag email sa attorneyclaire@gmail.com