Caba, La Union — Dahil sa sobrang init ng panahon ngayong summer, isang magsasaka sa bayang ito ang namatay matapos tamaan ng heat stroke.

Kinilala ni P/Insp. Leopoldo Galap, Deputy Chief of Police ng Caba, La Union, angĀ  biktima na si Rene Gerry Sobredo, 55 anyos, may asawa at residente ng barangay Poblacion Norte.

Ayon sa opisyal, bago ang insidente ay nakipag-inuman sa mga kaibigan ang biktima hanggang sa magpaalam ngunit kalaunan ay natagpuan itong nakahandusay may maisan.

Sa isinagawang eksaminasyon Municipal Health Officer, lumabas na heat stroke ang ikinamatay ng biktima.