Away sa pag-ibig ang itinuturong motibo ng pamamaril at pagpatay sa isang magsasaka sa Cauayan City, Isabela.
Kinilala ang biktima na si Romar Salcedo, may asawa, ng Brgy. Rogus ng nasabing bayan habang ang nadakip na suspek ay si Freddie Revilla, isa ring magsasaka at kapitbahay ng biktima.
Sa inisyal na imÂbestigasyon ni Cauayan City Police public information officer Sr. Insp. Esem Galiza, may hinala umano si Revilla na may itinatagong relasyon si Salcedo sa kanyang misis.
Nagkaroon umano ng kumprontasyon ang biktima at suspek noong Linggo ng gabi hanggang sa bumunot ng baril si Revilla at pinagbabaril si Salcedo hanggang masawi. Agad na tumakas ang suspek matapos ang krimen.
Hinahanap na ng pulisya si Revilla para harapin ang kasong isasampa ng pamilya ng biktima.