Magsasaka kulong sa pang-uumit ng yosi sa NE

arrested-man-in-jail

Kalaboso ang isang 53-anyos na magsasaka makaraang magtangkang magpuslit ng pitong rim ng sigarilyo noong Linggo ng Pagkabuhay sa palengke sa bayan ng Quezon, Nueva Ecija.

Sa ulat sa tanggapan ni P/Sr. Supt. Eliseo Tanding, NE police director, nakilala ang suspek na si Felix Mangulabnan Amurao, ng Brgy. Caali­bangbangan, Cabanatuan City.

Dakong alas-10:50 ng umaga, abala sa kanyang puwesto si Conrado dela Cruz Trinidad, 47-anyos, taga-Brgy. San Pascual Talavera, Nueva Ecija na nag-aasikaso ng mga mamimili nang isumbong ng kaniyang kabiyak na si Rosalinda Perame Trinidad, 50-anyos, ang pagpupuslit ni Amurao sa mga sigarilyo kaya agad niya itong tinugis at ini-report sa police station.

Kaukulang kasong theft ang isinampa ­kontra kay Amurao.