Magsasaka ng Batangas niratrat

nagpaputok

Binaril at napatay ang isang lider ng grupo ng mga magsasaka sa loob ng kanyang bahay kamakalawa ng gabi sa Calatagan, Batangas.

Kinilala ang biktima na si Engracio delos Reyes, 61, bise presidente ng Samahan ng Maliliit na Mangingisda at Magsasaka sa Calatagan (SMMMC).

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-9:30 noong Sabado ng gabi nang maganap ang insidente habang nag-uusap ang biktima at kanyang asawa sa kanilang bahay nang bigla umanong pumasok ang dalawang armadong lalaki at pinagbabaril si Engracio.

Dead on the spot ang biktima matapos magtamo ng mga tama ng bala sa likod ng katawan nito samantalang patuloy na tinutugis ng pulisya ang mga nakatakas na suspek.