Magsasaka ng Hacienda Luisita suportado ng DAR

Nanawagan ang Department of Agrarian Reform (DAR) sa lahat ng magsasaka at mga manggagawang bukid ng Hacienda Luisita sa Tarlac na magkaisa para labanan ang paghahari-harian ng pamilya Cojuangco sa mga lupang sinasaka nila.

Pagkatapos ng dialogo ni DAR Sec. Ra­fael Mariano sa libu-libong magsasaka ng Hacienda Lui­sita, nanindigan ang kalihim na dapat nang ipa­tupad ang 1012 ruling ng Supreme Court (SC) hinggil sa installation ng agrarian reform beneficiaries (ARB) sa mga magsasaka.

Mula sa 28 ektaryang sakahan sa Brgy. Asturia, paparte-partehin ito sa 42 magsasaka na may hawak ng Certificate of Land Ownership Award (CLOA) mula sa Brgy. Lourdes at bibigyan ang mga ito ng tig-6,600 square meters na sakahan.