Patay ang isa habang sugatan ang kasama nito sa insidente ng rock slide sa Sitio Bentong, Barangay Tasiman, Lake Sebu, South Cotabato kamakalawa.

Kinilala ang nasawi na si Danilo Manumba, 21, magsasaka ng Sitio Citi, Brgy. Tasiman habang nakaligtas naman ang kasama nito na si Dandan Dawang na may mga sugat at bugbog sa katawan.

Sa imbestigasyon ng Lake Sebu Police, su­milong ang dalawa sa kuweba dahil sa malakas na ulan mula sa pangangaso nang biglang rumagasa ang mga bato.

Nakatakbo si Dawang habang na-trap naman sa loob ng kuweba si Manumba na naging dahilan ng kamatayan nito.