Magsuot daw ng helmet: KC nabulag kay Apl.de.ap

Bagamat marami ang natutuwa sa mga faney ni KC Concepcion sa napabalitang lovelife nito, meron din namang hindi boto sa umano’y relasyon niya kay Apl.de.ap.

Sey ng mga kate-katerang netizen, sa lahat daw kasi ng lalakeng na-link kay KC, from musician Rico Blanco, actors Piolo Pascual at Paulo Avelino, director Lino Cayetano at footballer Aly Borromeo, ang Grammy-award winning rapper, singer at music producer ang hindi papable.

May joke pa na kailangang pagsuutin umano ni Apl.de.ap ng helmet si KC para di raw matauhan

Hirit pa nila, hindi raw bagay ang miyembro ng pamosong grupong Black Eyed Peas dahil malaki raw ang agwat ng kanilang edad ni KC.

Depensa naman ng ilang supporters ng Unicef ambassador, wala raw namang pinipili ang pag-ibig . Tanging ang panganay ng megastar lamang ang makapagsasabi kung sino ang makapagpapaligaya sa kanya.

Dagdag pa nila, matalino raw naman si KC to make intelligent choices pagdating sa kanyang lovelife.

In good hands din daw ang celebrity endorser at actress sa world-class singer dahil financially secure raw ito at hindi naman maituturing na liability kung sakali ang color blindness nito. (Archie Liao)