Isa umanong hinihinalang ‘narco-politician’ na si Talitay Vice Ma­yor Abdulwahab Sabal ang naaresto ng pulisya noong Huwebes ng hapon sa Awang Airport sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Ito ang kinumpirma kahapon ng mga empleado at security officers ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na nakasaksi sa insidente.

Nasa arrival area si Sabal ng nasabing paliparan nang sitahin ng mga ope­ratiba ng Mindanao Anti-Illegal Drugs Group (AIDG).

Sa panig naman ng nakababatang kapatid ni Sabal na si Morsheed Manibpel, konsehal ng Talitay, blangko sila nga­yon sa kinaroroonan ng bise alkalde at hindi pa rin nila ito nakakausap.

Sinabi pa ni Manibpeil na hindi rin nila alam kung bakit inaresto at ikinustodiya si Sabal.

Si Sabal ay bise alkalde ng Talitay, Maguinda­nao, na kabilang ang pa­ngalan sa nasa listahan ng mga politiko na sangkot sa illegal drug trade na inilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte noong nakaraang buwan.