Ipinagmalaki ni ­dating Senador Lito ­Lapid ang mahaba ­niyang karanasan sa serbisyo publiko.

Ito umano ang dapat tingnan ng mga botante at hindi ang kanyang edu­cational background.

Si Lapid ay naging gobernador muna ng Pampanga bago nahalal na senador noong 2004.

Muli siyang nahalal noong 2010 elections at natapos ang termino noong 2016.
Sa kabuuan ay 24 taon siyang naglingkod sa taumbayan.

Ayon kay Lapid, ­hindi siya sumasali sa mga debate dahil alam niyang tatanungin lang siya tungkol sa kanyang edukasyon.

Hindi naman minamaliit ni Lapid ang kahalagahan ng edukasyon pero ang importante ­aniya ay ang karakter ng isang kandidato.

Sa 12 taon na paninilbihan niyang senador, sinabi ni Lapid na higit sa 600 panukalang batas ang kanyang sinampa at marami dito ang naging ganap na batas.