Upang masolusyunan ang mahabang pila ng mga mananakay sa Metro Rail Transit (MRT) 3 nakatakdang magdagdag ng isa pang bagon sa bawat tren ang pamunuanĀ ng mass transportation simula sa susunod na buwan.
Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Undersecretary Cesar Chavez, mula sa kasalukuyang tatlo, ay gagawin na nilang apat ang bagon ng bawat tren.
Planong simulan ng pamunuan ng MRT 3 ang eksperimento sa darating na Oktubre upang alamin kung makatutulong ito para mabawasan ang araw-araw na mahabang pila ng mga pasahero.
Paliwanag ni Chavez, sa sandaling maging apat na ang bagon ng isang tren ay tataas sa 1,450 ang dami ng bilang ng mga pasahero na maisasakay ng bawat bumibiyaheng tren.
Kahit naman, aniya, mas hahaba ang tren dahil sa pagdaragdag ng bagon ay target pa rin ng DOTr na mapanatili sa apat na minuto lamang ang waiting time sa pagdating ng tren.