Naging mapayapa ang isinagawang kilos protesta, pinakahuli ay ang Black Friday protest ng mga grupong kumokondena sa ginawang paghihimlay kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa ­Libingan ng mga Bayani (LNMB).

Hindi ito naging marahas dahil sa binigay na permiso ni Pangulong Rodrigo Duterte sa grupo na malayang isagawa ang kanilang protesta bilang pagkilala­ sa kanilang karapatang maghayag ng kanilang saloobin o pagtutol sa nangyaring paghihimlay sa dating Pangulo sa LNMB.

Bukod sa pagbibigay pahintulot na makapagdaos ng protesta sa mga pampublikong lugar ay inagapan din ng Pangulo ang mga awtoridad na huwag ­galawin ang mga nagsasagawa ng demonstrasyon.

Pangunahing rason na aming nakikitang dahilan sa mapayapang protesta na bagama’t dinaluhan ng napakarami nating kababayan ay nanatiling maayos at matahimik ay dahil sa ipinamamalas na pagkilala sa karapatan ng kahit sino na magdaos ng isang kahalintulad na aktibidad.

Kanya nga lamang umaasa pa rin ang marami katulad ng mga nagpoprotesta na sa bandang huli ay magkaroon ng katanggap-tanggap na desisyong handang yakapin o kilalanin ng mga grupong matindi ang pagtutol sa ginawang paghihimlay kay Marcos sa LNMB.

Sayang kasi ang sama-samang pagkilos sa labang ito kung wala namang malinaw na posisyong ilalabas ang pamahalaan na magpapahinahon sa kalooban­ ng mga hindi sang-ayon sa ginawang paglibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

29 Responses

  1. Nice to Know…ibig sabihin ang mga dumalo dyan ay ang mga nasa listahan at mga Ligitimate Claimants ng lahat ng mga Bank Acct ni Marcos..
    malamang di pa dyan kasama ang mga nasa probinsya na di nagluwas ng manila..

    2 bank acct na ni marcos ang na zero balance.next year ang swiss nman at may susunod at susunod pang mga Bank acct ang ibinigay sa kanila..

    DI MABABAYARAN NG PERA ANG BUHAY..sana pati mga lupain ng mga Marcos ibigay din sa mga nabiktima nya…

  2. yan nag pangulo kinikilala niya ang karapatn ng mga ngpprotesta saknya pero sana naman pagtpos nito marealize niyo na mali ang gingawa niyo sa pangulo

  3. napakahalaga naman talga nyan siyempre yung iba nasasaktan pero yung iba naman nasisisyahan pero dapat sa ganyan inuunawa rin natin ang batas o yung simpleng protocol lang ng LNMB

  4. dapt kahit ganito ang nagyari hindi nila kalimutan na ang presidente pa rin ng pilipinas ay si Duterte kaya dapt tanggapin nila kung ano ang desisyon ng nkatataas

  5. ang bait tlaga ng pangulo hinayaan niya lang na mgprotesta ang mga anti marcos dahil alam niya ang mga saloobin nito naiintindihan niya pero ang magnda dapt dito bgyan pa rin ng respeto ang pangulo