Uumpisahan munang magpapatupad ng mahigpit na disiplina sa bawat isa kabilang ang mga kawani ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para maibsan ang mga suliraning lalo na sa daloy ng trapiko sa Metro Manila.

Ito ang nais ni bagong talagang MMDA Chairman Danilo Lim matapos itong pormal na maupo sa puwesto kahapon.

Ayon kay Lim, sa kanyang panunungkulan ay ipatutupad niya ang mahigpit na disiplina sa bawat isa kabilang ang mga kawani ng MMDA upang maiwasan umano ang anumang katiwalian sa ahensiya.

Sa turn-over ceremony ay nakipagpulong ito sa mga opisyal at director ng MMDA at hiniling ang buong suporta.

“I ask for the support and cooperation of everybody. I am not here to make anybody’s life difficult. Let us all work together for a better Metro Manila,” ayon kay Lim.

Unang araw sa pag-upo sa puwesto ni Lim bilang MMDA chairman, ipinag-utos nito ang pag-audit sa lahat ng existing equipment, behikulo at mga personnel.

One Response

  1. Pwede bang mag suggest Mr. Chairman na huwag padaanin lahat ng motorksilo sa EDSA/Roxas Boulevard, C5 Road total kahit saan naman pwedeng pasingit singit ang mga yan e, parang mga ahas. Subukan mo yan Mr.Chairman at maiibsan ang trapik sa mga major roads na yan. Suggestion lang po sa panaginip hahaha.