Mararanasan sa Metro Manila ang unti-unting paghina ng hanging Habagat at mahihinang buhos ng ulan kumpara sa nakalipas na mga araw na sunud-sunod at malalakas na bugso ng ulan.
Ang Kalakhang Maynila at nalalabing bahagi ng Luzon ay magiging maulap ang kalangitan na may mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan at pagkulog at pagkidlat.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Service Administration (Pagasa) bagama’t may pa ilang malakas na pag-ulan subalit hindi na ito kasing dalas kaysa sa nakaraang mga araw.
Maging sa CALABARZON ay mararasan ang mahinang mga pag-ulan habang patuloy na makakaranas ng mga pag-ulan sa rehiyon ng Ilocos, at mga lalawigan ng Benguet, Zambales at Bataan.