Mahindra humaharurot

Nakapagbigay ng inspirasyon ang napakadalang magpakitang si playing-coach at ngayo’y Sen. Manny Pacquaio sa bench ng Mahindra at rumesponde ang Enforcers nang timbugin ang defending champion San Miguel Beer c 105-103 sa first game ng Oppo Governor’s Cup Sa Smart Araneta Coliseum kagabi.

Nagmaneho si James White ng 34 points at 11 rebounds, binutas nina Paolo Taha at Chito Jaime ang krusyal na four points sa see-saw battle endgame at nilista ng Mahindra ang best-start na 3-0 sapul nang umentra sa PBA noong 2014-15 season.

Umayuda si Nino Canaleta ng 17, may 12 pa si Taha sa Mahindra.

Hindi napigil ng 43 points ni AZ Reid ang pagdausdos ng Beermen sa 2-1.

Tinapos ni Reid ang 17-4 attack para ibigay sa Beermen ang manibela 102-101 sa last 1:48 mula sa 94-82 down. Jumper ni Taha at two free throws ni Jaime ang nagligtas sa pagku-collapse ng Enforcers.

Isa lang ang naisalpak ni June Mar Fajardo sa apat na charities niya sa final 36 seconds at sinablay ni Reid ang 3-point attempt pa-final tally sa last two ticks, habang sumisigaw si coach Leo Austria na gamitin pa ang timeout pero ‘di nakinig si Reid at sa halip ay sinolo ang diskarte.