Mahirap pakawalan

motorista-ismael-amigo

Ang isang sasakyan pala kapag matagal mo nang naging kaagapay sa hanapbuhay, naging sandalan mo sa lahat ng lakad pamilya at higit sa lahat, nakasanayan na ng iyong mga mata sa garahe o kung sa tapat bahay man, napakabigat na sa dibdib pakawalan.

Ngunit ‘ika nga, ganyan talaga ang buhay, patuloy sa pag-inog. Parang gulong lang, patuloy sa pag-ikot. Minsan naman flat, minsan kulang lang sa hangin.

Dumating na sa takdang panahon ang aming paghihiwalay. Kami ng aking loyal ever trusted van and only.

Naging kasama namin siya mula December 2011. So, may katagalan. Labing-isang taon na ang nakalipas.

Nagpabalik-balik na siya ng Sto. Tomas, Batangas-Makati CBD at vice versa nang halos may tatlong taon na sunod-sunod mula Lunes hanggang Biyernes, taong 2015 hanggang 2018.

Parang tao, nagkakasakit ang lahat ng sasakyan. Parang tao, minsan kelangan ng checkup sa ospital. Mga sasakyan, kelangan ng checkup ng mekaniko.
Bagama’t wala masyadong sakit ng ulong binigay si van mula nang ma-acquire siya noong 2011, naging palalo siya nitong mga huling buwan ng 2018 magpahanggang ngayon.

Nakailang palit na rin siya ng transmission (full assembly), dalawa marahil dahil napapaba­yaan ang ATF (automatic transmission fluid) at maliban riyan wala nang ibang major breakdown magpahanggang nga­yong Marso 2019.

Ang automatic transmission ay umaabot ng hanggang P25,000 buong assembly, surplus. Kapag nadenggoy ka pa ng ilang wais na meka­niko, pepresyuhan kayo ng hanggang P60,000 gaya ng may napagtanungan ko sa Makati noon.

Kaya mainam ‘yung second opinion ng gaya rin ng kung tayo’y may karamdaman. Second opinion is the best doctor in the world.

Nitong Marso, unang araw, malubha na ang karamdaman ng aking van and only. Nagka-leak ang shutoff valve sa fuel injection (EFI). Ang ­presyo ng buong assembly P25,000. Labor hindi pa kasama. Nasa P5,000 daw.

Dito na ako nagdesisyon na dumating na sa sukdulan ang aming pagsasama ng aking reliable van and only.

Kung kaya’t mahirap man sa kalooban, pinost ko na siya sa bentahang tsikot sa FB. Adios at salamat sa lahat.
To God be the Glory. Ash Wednesday today.