BALITANG nagdadalantao ang isang young star, na tawagin nating MYS (as in ‘mysterious young star’) dahil marami siyang misteryo at kahiwagaan sa buhay.
May ex-boyfriend si MYS na isang young actor at nakarating na kay young actor ang tungkol sa preggy issue kay MYS.
Nakikipagbalikan pala si MYS kay young actor, pero ayaw na ng binata.
Bukod sa wala ng feelings si young actor kay MYS, ang mas gusto niyang makabalikan ay ang isang wholesome young actress na nakarelasyon niya before.
Medyo nalerky kami dahil alam pala ni young actor ang mga kahiwagaan ni MYS.
Very much aware si young actor sa mga lalaking nauugnay o nali-link one way or another kay MYS.
Ang mas ikinalerky namin ay alam pala ni young actor ang tungkol kay MYS at sa isang actor-politician.
Ang buong akala namin ay lihim na lihim ang panandaliang ugnayan na ‘yon ni MYS at ng actor-politician, ‘yun pala ay maging ang ex-BF nito ay alam ang tungkol doon.
At dahil alam ni young actor ang lihim na ugnayan ni MYS at ng nasabing actor-politician, malinaw na sa kanya kung anong klaseng hiwaga ang bumabalot sa pagkababae ng kanyang dating nobya.
Hindi mapanghusga si young actor dahil buhay ‘yon ni MYS at ayaw niya itong maliitin, sisihin o kutyain.
Ang wish lang ni young actor, kung anuman ang kondisyon ngayon ni MYS, sana ay maayos ang buhay nito, komportable ito at hindi naghihikahos.
Kim Rodriguez-Kiko Estrada-Barbie Forteza?