SIKAT na actress, pinatawid ng ilog ang talent coordinator ng pelikula!

Nag-start siya sa mga indie movie. Dahil maga­ling, nakuha siya sa mga full length movie.
Madalas, katulong siya. Hanggang na-promote siya at naging best friend ng bida.

Doon siya nakipagkabugan ng galing kaya napasin siya. Sinugalan ng kanyang mga kaibigan ang movie na tailor-made sa kanya.

Naging box office hit ito kaya nasundan nang nasundan. Pati sa tv, nakipagsabayan siya.

Dumami ang awards & recognitions sa kanya. Kaya nag-back-to-back-to-back ang work niya.

Siya na ang babaeng walang pahinga kaya madalas na mainit ang ulo niya.

Tumatanaw siya ng utang na loob sa mga direktor at producer na tinulungan siya noong nganga siya.

Tinanggap niya ang isang pelikula na isu-shoot sa malayong lugar na tatawid pa ng dagat.
Bongga ang role niya. Pang-award!

Kaya accept ni ate ang project kesehodang far & away ang location.
Call time niya, 9:00 AM. Pero 12:00 NN na, wah pa siya.

Nang tinatawag-tawagan na siya ng talent coordinator, sumi­sigaw si ate.
Galit na galit.

Ang layu-layo raw ng location, tapos, nginangarag pa siya.
Finally, dumating na siya.

Nalokah ulit si ate dahil tatawid pa pala sila ng ilog.
Nagtalakserye ulit si actress at parang asong nauulol sa galit.

Si bading na talent coordinator, puro PO at OPO na lang ang namumutawi sa bibig niya sa takot kay actress.

Salamat at nakarating sila sa kabilang dako.

Hinanap ni actress ang tent niya. Ayaw niya na may ka-join sa tent.
Nahimasmasan si ate habang mine-make-up-an.

Kinuha ni ate ang kanyang celfone.
Tumili na naman siya dahil mahina ang signal. Ayaw na niyang mag-shoot.

Tinawag ni ate ang EP at be­king TV. Kailangan niya ng wifi at dapat gumawa sila ng paraan.
Natakot ang lahat dahil wah feel ni ate na mag-shoot kung walang wifi.

Inutusan ni EP ang pobreng TV na tumawid ulit ng ilog at bumili ng router kahit magkano pa, matuloy lang ang shooting dahil big scene ang kukunan.