Nakakamangha ang ganda ng hubog ng katawan ng aktres at tennis player na si Maika Rivera. Talagang mababakas sa ganda ng katawan niya ang pagiging sporty niya.
Sa tipo niya ay literal na kakain ka ng alikabok kapag siya ang nakaharap mo sa isang tennis game.
Magmimistulang ‘slow motion’ ang bawat pagbitaw niya ng bola at magpapatalo ka na lang, mapagmasdan lang ang pagpatak ng pawis niyang humahalimuyak.
Marami ang nagsasabi na ang beauty ng aktres ay pinaghalong mukha nina Devon Seron at Sanya Lopez. Kaya beauty package na lalo na sa katawan niyang pang-FHM.
Malaki ang balakang at hita niya. Well, bunga siguro ng paglalaro niya ng tennis. Nakakadagdag din sa appeal niya ang malaking dibdib at maliit na baywang.
Bagama’t apat na taon na ang nakakalipas nang huli siyang lumaban para sa isang tennis competition ay hindi pa rin nawawala ang galing niya sa paglalaro. Busy na kasi ang aktres ngayong showbiz na ang career na nais niyang tahakin. Napapanood ang aktres sa teleseryeng “Ngayon at Kailanman” bilang si Tamara.