Mga laro ngayon (The Arena, San Juan)
4:00 p.m. — Perlas vs. Power Smashers
6:30 p.m. – Pocari vs. Air Force

Isa sa mga markadong teams sa Premier Volleyball League Reinforced Conference ang defending champion Pocari Sweat pero nangu­pete sa kanilang unang dalawang laro.

Bokya pa rin sa panalo ang Lady Spikers at nasa ilalim ng team standings, pipilitin nilang makuha ang unang panalo kontra Air Force (1-2) ngayon sa The Arena sa San Juan.

Parehong kailangang manalo ng Pocari Sweat at Jet Spikers para hindi mabaon sa ilalim sa double-round robin event.

Unahan naman sa pangalawang panalo ang Perlas at Power Smashers sa unang sultada.

Kasalo ng Lady Spikers at Powe­r Smashers 1-1 karta sa second spot ang Creamline, solo sa tuktok ang BaliPure (3-0).