Hindi maiiwasan para sa isang sikat na katulad ni Maine Mendoza na maraming nagre-request na magpa-video greetings.
May magandang idea si Maine na bukod sa napagbibigyan na niya ‘yung mga nagre-request ng video greetings sa kanya ay nakakatulong pa sila sa mga kapuspalad.
May mga ‘piggy bank’ si Maine na palaging dala-dala sa kanyang mga lakad.
‘Yung mga nagre-request ng video greetings kay Maine, nire-request niyang mag-donate ng P20 (twenty pesos) na inihuhulog niya sa mga ‘piggy bank’ na dala-dala niya.
Iba’t ibang kulay ang mga ‘piggy bank’ na ‘yon.
‘Yung nakukuhang donations ni Maine mula sa mga nagpapa-video greetings sa kanya, idino-donate niya sa ilang charities. Karamihan sa mga charitable institution na binibigyan ni Maine ay ‘yung mga para sa matatanda.
Ang maganda pa, tinatapatan ni Maine ng kaparehong halaga na nalikom niya sa pagvi-video greetings ang laman ng kanyang mga ‘piggy bank’ bago niya i-turn-over sa charitable institutions.
Kaya tuwing may nagpapa-video greeting kay Maine, tuwang-tuwa ang phenomenal star ng Eat Bulaga.
Napagbibigyan na niya ang mga taong ‘yon, nakakatulong pa sila sa charitable institutions na sinusuportahan niya.
Iba talaga si Maine!
Kahanga-hanga, kaya napakaraming nagmamahal sa kanya, huh!
***
HINDI pala basta-basta ‘yung ubo ni Annabelle Rama.
Nitong weekend, nagdesisyon si Tita Annabelle na magpa-check-up uli dahil kahit anong gamot ang inumin niya, hindi gumagaling-galing ang kanyang ubo.
Palagi ring malat si Tita Annabelle, kaya iwas siya sa pakikipagkuwentuhan.
Nang lumabas ang resulta ng mga test sa misis ni Eddie Gutierrez, it turned out na hindi pala simpleng ubo lang ‘yon na nakuha niya sa isang klase ng air virus.
May pneumonia pala siya at pinagsabihan ng kanyang mga doktor na magpahinga para gumaling.
Nagdesisyon si Tita Annabelle na sa bahay na lang siya magpapahinga at mas mapapabilis daw ang paggaling niya kesa nasa ospital siya na mas nakaka-stress sa kanya.
Noong weekend din, gusto sanang pumunta ni Tita Annabelle sa Cebu para dalawin ang eldest sister nilang si Tita Pura na delikado na dahil sa sakit na diabetes,
Hindi niya magawa ‘yon dahil sa kanyang kalagayan.
Tumawag na lang si Tita Annabelle sa lugar nila sa Cebu at ipinalagay ang telepono sa tenga ng kanyang Ate Pura para marinig nito ang kanyang boses.
Sinabihan ni Tita Annabelle ang kanyang Ate Pura na ipinagdarasal niya ito para gumaling kaagad.
Humingi na rin siya ng paumanhin sa kanyang ate dahil hindi siya makakauwi sa Cebu at may sakit din siya.
Nang bandang gabi na noong Sabado ay tinawagan kami ni Tita Annabelle na sobrang malungkot.
Namatay ang kanyang Ate Pura at nanghihinayang siya na hindi siya nakadalaw man lang dito dahil sa pagkakasakit din niya.
“Ang problema talaga ng mga Rama, ‘yang diabetes. Kaya nga ako, ingat na ingat din ako sa aking sugar,” sabi ni Tita Annabelle nang makausap namin na palagi ring idinadaing ang kanyang blood sugar.
Madalas nang umiwas si Tita Annabelle sa mga matatamis dahil sa kanyang diabetes na noong una ay palagi niyang sinasabi na nasa boarder line lang siya.
Thanks Sir Jun Lalin i thought negative write up about Meng, positive pla content! God bless you more!?
We love you Menggay! Khit ano pa sbihin ng iba towards you, we know you are truly beautiful person inside & out! Di ka ibebless ni God kung d ka mabuting tao, lhat ng mgagandang gawa at kabutihan sa puso ntin may katumbas na mgandang buhay! Khit mayaman ka na tuloy pa rin ang blessings! Keep it up!?
good job maine! iba ka!
magbago na rin sya ugali wag palaaway. nakaka sress yun
ok si Annabelle pla palaaway! hehe