Naghihimutok ang mga fan ng AlDub dahil magkasama sina Maine Mendoza at Arjo Atayde sa isang movie screening ng ‘Jack Em Popoy’. Nadurog ang puso nila sa video na kumalat sa social media.
Sa Twitter ay may MaiChard fan na very vocal sa pagsasabing labis siyang nasasaktan sa nakita niyang video na hawak diumano ni Arjo ang cellphone ni Maine. Tapos bumitaw agad si Maine sa kamay ni Arjo habang nasa escalator sila dahil may nagvi-video.
Samantala, sa isang panayam ay sinabi rin ni Maine na walang exchange gift na nangyari sa kanila sa nakaraang Kapaskuhan.
“Wala namang ganun,” pakli niya
Pero nang tanungin kung sapat na ang ‘presence’ nilang dalawa ay buong ningning itong sinagot ng aktres na “Puwede na rin.”
***
Karen may laban sa Miss Intercontinental
Hinihintay na ang laban ni Karen Gallman sa 47th edition ng Miss Intercontinental pageant. May pressure sa parte niya dahil nasungkit ni Catriona Gray ang Miss Universe tapos siya ang huling lalaban sa mga beauty queen ng Binibining Pilipinas.
Anyway, first time na gaganapin sa Pililipinas ang Miss Intercontinental na nakatakda sa January 26, 2019 sa pakikipagtulungan ng Department of Trade and Industry (DTI). 85 silang kandidata na maglaban-laban sa nasabing titulo.
Pero feeling winner na si Karen dahil balitang ‘engaged’ ito sa kanyang Australian
boyfriend na si Ian Garton.
Umaasa naman ang mga netizen sa kanyang nalalapit na laban sa Miss Intercontinental na magwawagi. Mababasa ito sa mga komento sa kanyang Instagram account.
@cheapntasty_ph, “Excited for your Miss Intercon journey! Your gonna win!”
@chatngl, “Haaay Karen! Can’t wait for you to rock swimsuit segment of miss intercon.”
@dannniel08, “1 more crown for the Philippines please! ?? Just like 2015 when 2 crowns were won (one was Universe)!!!”
@philphiler, “Your turn karen! Make us proud again .”
@hericksoninsis, “Kinoronahan na si Catriona, si @karen_gallman naman ang susunod na kokoronahan.”
@ peeweetheblessed, “Pls win the crown for us! :) We are rooting for you to win!”
@itsmeeeeleighlais, “Gosh! We will support you all the way Queen!”
@josephineanna176, “You must win para history din first ever Miss Intercontinental. Bigay mo ang pinaka best mo. @karen_gallman. Last chance mo na.”(Roldan Castro)