Maine, Arjo dusa ang romansa

NI: VINIA VIVAR

Ayaw nang intindihin pa ni Arjo Atayde ang mga bashers na bina-bash ang relasyon nila ni Maine Mendoza. Lalo na ngayong panahon ng pandemic, ayon sa aktor ay mas kailangan nating magtulungan.

“It’s pointless bashing people, especially now na kailangan nating magtulungan,” ani Arjo sa live interview sa online Beautederm TV last Tuesday.

“I think, we all have to get along, respect each other’s opinion and you know, sabi nga nila, respect each other’s opinion but you have to respect someone’s opinion, you have to understand beyond,” dagdag niya.

Nagpapasalamat ang aktor sa ArMaine fans nila na napaka-supportive raw eversince. Nilinaw rin niya na hindi naman daw sila nakikipag-compete sa ibang loveteam.

Mensahe niya sa mga basher, “let’s stop being foolish. It’s not the right time.”

Tungkol naman sa relasyon nila ni Maine, aminado si Arjo na talagang naging dusa sa kanila ang nakaraang tatlong buwan dahil hindi sila nagkikita. Pero natutuwa naman siya na ngayong GCQ na ay pwede na silang magkita.