Walang makakapigil sa pagmamahalan nina Maine Mendoza at Arjo Atayde.

Kumbaga, ‘love is in the air’ ang drama nila.

Viral ngayon ang video na nagpalipad sila ng sky lantern sa Shifen, Taipei sa Taiwan.

Tinatanong ng netizen kung ano raw ang isinusulat na wish ni Maine? Simbolo kaya ng kalayaan sa AlDub Nation ang pagpapalipad nila ng pink lantern para sa pag-iibigan nila ni Arjo?

Ang pink lantern ay sumasagisag sa pag-ibig, ayon sa mga eksperto.

Matatandaang umalis sina Maine at Arjo patungong Taiwan para sa 24th birthday ng TV host/actress. Ayon sa source, kasama nila ang ilang kaibigan.