Maine,Arjo nag-moment sa Palawan

Bakasyon grande ang magkasintahang Maine Mendoza at Arjo Atayde. Itinaon ang pag punta nila sa El Nido, Palawan sa kaarawan ng nag-iisang Philippine Sweetheart. Yes, pang-lifestyle of the rich and famous ang birthday celebration ni Mendoza dahil alam naman natin na pang-mayaman ang gastusin at presyuhan para sa isang romantic rendezvous sa Palawan.

Kaya ang kanilang mga fan at supporter, kilig na kilig at going ballistic ang mga imahinasyon sa get-away ng future Mr. Juan Carlos Atayde at Nicomaine Mendoza-Atayde, huh! Para sa kanila, may chance na nagpupulot-gata na ang dalawa lalo na nga’t of age na ang mga ito at tila ang kanilang mga magulang, go for gold ang support at pagyakap sa kanilang relasyon.

Honeymooners in March kaagad? Hindi ba pwedeng much and needed recreation with the one you love lamang while you walk on the beach while holding hands, snorkeling and bonding with the colorful fishes under the sea, kayaking and tasting the delicious food na offered sa kung saan sila nagbabakasyon?

Kailangan ba there should be more sa kissing and cuddling at mapunta agad sa pangmalakasang go forth and multiply na? Ano ito, uunahan pa nila sina Matteo at Sarah Geronimo-Guidicelli na makabuo ng baby? Hindi pa naman siguro, huh!

Whatever they do in the privacy of their bed room is their business. Wala tayong pakialam kung ano-ano ang kanilang expressions of romance. Sa mga panatiko, huwag tayong mag-konklusyon na they did the deed and made whoopee na.

Sa true lang, may pananalig ang diva that you love sa pagiging gentleman ni Arjo. Na may respeto ito sa pagiging babae at pagkababae ni Maine. May tamang panahon para sa mga bagay na mas intimate pa. Parang let’s wait awhile ang drama nila at ini-enjoy muna ang kanilang relasyon for what it is, yung maligaya lang muna at inaalam at kinikilala talaga ang isa’t-isa.

Rodjun, Janjep kambal bukol

Maraming provocative photos na masisilayan sa kanyang IG at Twitter accounts si Mr. Gay World 2019 Janjep Carlos. Hindi niyo puwedeng pagdabugan ng bangs ang bortang beki at mas lalong hindi siya pwedeng i-the WO kasi nga may title, masarap, katakam-takam at kadila-dila ang bruho.

Sa mga latest photo niya kung saan may kasama siyang banyaga na ang tanging saplot lamang ay skimpy underwear, marami ang nakapansin, mula sa kulay ng balat, tindig, pagiging chinito, itsura ng mukha at pagiging gym fit at buff, sa true lang pwede silang pagkamalang kambal ni Rodjun Cruz.

Si Cruz, mas kamukha pa si Carlos, kung ikukumpara sa kapatid niyang si Rayver. Para talaga silang twins separated at birth, hindi ba naman.

Ano nga kaya kung itong si Rodjun, magpa-pictorial rin na ang tanging tumatabing sa kanyang taglay na pambihira ay skimpy swimwear rin? Pag pinagtabi natin ang larawan nila ni Janjep, magsasabayang awit na ba tayo: “Alin, alin, alin ang naiba, isipin kung alin ang naiba?”

Marami ngang sangkabekihan ang nagdadasal na magkasama sina Rodjun at Janjep sa isang underwear fashion spread para magkasukatan na at malaman kung sino nga ba ang mighty meaty at tender juicy sa dalawa.

Kung saka-sakaling magiging magkaibigan ang dalawa at maging mag-BFF, how progressive ang katotohan na may picture perfect straight guy and gay guy friendship na for real at platonic. Sila na ang poster men para sa isang millennial bromosexual relationship na dapat talagang ipauso, ipagmalaki para makasanayan ng dabarkads at madlang pipol. Pwedeng-pwedeng maging magkaibigang matalik na hindi nagtatalik ang lalaki at bakla noh!

Kaya walang duda, panalo ang pakakambal bukol nina Rodjun Cruz at Janjep Carlos, huh!

Kelly, Elyson tatak starlet

Juice colored! Ang mga starlet na walang malay at kadating-dating, nagpaparamdam talaga para mabura na sa the WHO no more category, paandar pa more, payanig na mga supot naman.

Case number one: si Kelly Day na niratrat daw ng mga basher dahil nakipagbalikan diumano sa anak ni Piolo Pascual, ang iho bonito nitong si Inigo.

Gising sa ilusyon, sister! According to my impeachable source, bagong nagpapatibok at nagpapalundag na sa puso at puson ng binatang Pascual at siguradong hindi ikaw iyun, kapeng barako for you, walang sugar!

Case number two: Si Elyson de Dios na dating First Prince sa StarStruck at runner up ni Migo Adecer.

May thick regional accent itong si Elyson na hindi ko sure kung wala na at mas lalong hindi ko sure kung ang musical play ay makakatulong sa neither here nor there niyang career status. Kahit itapon mo sa tabing-dagat ang musical, life goes on at wala kang masyadong mami-miss sa musical na pulos kababawan ang laman.

Celeste tsipipay sa laplapan

So unbecoming of a former beauty queen ang payanig na larawan ni Celeste Cortesi, Ms. Earth Philippines 2018 na may larawan captured for posterity ang laplapan nila ni Joseph Marco.

Juice colored! What a cheapipay photo stunt kaya tama na, pigilan na ang the WHO times three and forever ang mga ito.