ni Allan Diones


Spotted ang lovebirds na sina Maine Mendoza at Arjo Atayde sa Spiral Resto sa Hotel Sofitel.

Sa Spiral din noon nag-date sina Maine at Alden Richards nu’ng kasagsagan ng AlDub loveteam.Nag-Instagram Story si Maine na nasa Spiral siya, pero dinelete niya rin ‘yon. May mga nakakita pa rin sa kanilang da­lawa ni Arjo at nagpapiktyur pa sa kanila.

In fairness ay may mga natutuwa na luma-lovelife na si Maine at mukhang happy ito ngayon.May chika ang ilang netizen na kesyo si Arjo rin ang kasama ni Meng nang magpunta ito kamakailan sa Amanpulo.

May pinost na beach pics si Maine sa Instagram pero walang may alam kung sinong kumuha ng mga photo na ‘yon.

Hindi rin pinost ni Maine kung sinong kasama niyang nag-beach.“Ending the year as happy as I can possibly be,” ang caption ni Maine sa isang beach pic niya na todo ang ngiti niya.Ang theory ng ilang faney, si Arjo ang kasama ni Menggay sa Amanpulo.

Wait na lang daw ngayon ang mga fan sa paglabas ng mga Amanpulo pic ng MaiJo at ‘pag nangyari ‘yon ay may nanalo na! PAK!Nag-cinema tour kahapon si Meng para sa MMFF movie nila nina Vic Sotto at Coco Martin na “Jack Em Popoy: The Puliscredibles”.