Maine-Arjo walang itinatago sa relasyon

Sa IG postings mula sa may name handle na theoscarbrad, may super sharing ang netizen ng mga larawan kung saan ang mga bida lang naman ay ang Philippine Sweetheart Maine Mendoza at ang kanyang iniirog, si Arjo Atayde.

Ang unang larawan, ang vibe, parang pang reception of a mabuhay ang bagong kasal couple, huh. Si Mendoza, nakaupo sa isang malaking rattan chair at si Atayde, sa armchair naman nakaupo. Busilak at wagas ang kanilang mga ngiti while posing. Hindi makailang mga ngiting may pagmamahal ang mga nasa mukha nila.

May isa pang larawan kung saan si Arjo, may pinabasa kay Maine na maaring mensahe mula sa kanyang cellular phone.

Ang last but not the least na larawan, kung ano man ang mga kaganapan, walang duda na tapos na. Si Arjo, naka-akbay sa kanyang minamahal, si Maine naman, naka-kuyapit sa bewang ng binatang kanyang sinisinta habang palabas sila.

Walang duda na hindi na pang you and me against the world ang namamagitan kina Mendoza at Atayde. Malaya na nilang sinusunod ang kanilang mga puso kaya pangmalakasan na talaga ang kanilang pagpapakita sa lahat na wala silang tinatago, walang dapat itago, ang Kapusong si Maine, hindi naman talaga kasalanan kung siya ay nagmamahal sa isang Kapamilya.

Iba talaga ang kilig at ligaya na pinagsasaluhan ng mga relatively young lovers na gaya nina Maine Mendoza at Arjo Atayde. Nakaka-good vibes, huh!
***

Gerald siniwalat ang karanasan sa Miss Saigon

Well attended ang homecoming concert ni Gerald Santos na ginanap sa Solaire. Sa true lang, hindi makakaila ang ma-laking pagbabago niya sa pagkanta at performance.

Mas may kumpiyansa, panalo ang pagbigkas at pagpapahayag sa mga salita, saloobin at mga kwento ng mga kantang kanyang inawit. Matikas at ang kanyang pagtindig sa tanghalan, parang lahat ng bahagi ng kanyang katawan ay malaki, huh! Hahahaha!

Ang kanyang before, during and after Miss Saigon experience ang sinalaysay sa concert. Mula sa excitement, home sickness, hirap, pagod, sakri-pisyo at mga panalong karanasan ay kanyang ikinuwento. Susundan naman ito ng kanta.

Para sa diva that you love ang best numbers niya ay ang “Home,” ang Aegis medley, “Winner Takes It All,” “Let It Go,” “On My Own,” “Never Enough at ang special performances mula sa kanyang Miss Saigon comrades.

Si Aicelle Santos bilang Gigi, nagpaandar muna at ang unang inawit, ang Philippine theater anthem, “Minsan Ang Minahal Ay Ako.”

Kay ganda, at ang boses, iba ang brillo, nangabog muna ang Kim, si Joreen Bautista with “Wishing You Were Here.”

Siyempre pa, ang buhay na alamat, si Leo Valdez, powerful ang rendition sa “Magsimula Ka,” ang kanyang signature ditty.

Nagsabayang awit sina Santos at Bautista sa “Movie In My Mind.” Ang mga “Pinoy Pop Superstar” graduates, sina Aicelle at Gerald, ang duet “Last Night of the World.” Si Bautista, ang duet with Santos, ang “Sun and Moon.” Si Leo, “Buidoi” at siyempre pa, “American Dream.”

Walang duda na maligaya ang lahat ng mga nanood sa concert ni Gerald dahil tunay na world class ang kanyang performance. Ay, kaabang-abang ang mga next projects niya, huh! Siguradong-sigurado pangabog! Hindi lang pang local, may pang-international ulit. Wagas!