ANYTIME, anywhere, go na go si Maine Mendoza star para maghatid ng saya sa mga taong todo ang suporta sa kanya.

Kahit ang kanyang daddy na si Mr. Teodoro Mendoza aka Daddy Dub eh nakikihalubilo sa fans.

Kamakailan lang eh kumalat ang isang viral photo na nagpapakita ng kabaitan ng mag-ama.

“Mabait po siya. Kahit patawid na kami ng kalsada, pinagbabaan niya kami ng bintana.

“At nakapag-request me ng picture. Mabait din po ‘yung father niya.

“Nu’ng marinig na nag-request ako, itatabi lang daw po saglit ‘yun sasakyan,” ayon sa fan ng Dubsmash Queen.

No wonder, labs na labs ng fans si Maine, at walang humpay ang dating ng blessings sa dalaga.

Marunong magpahalaga si Maine sa mga umiidolo at nagmamahal sa kanya!

Ganern!