“KAHIT starlet lang ako sa GMA, masaya pa rin naman ang buhay. Tuloy ang buhay kahit suspended. Basta totoo ka lang sa sarili mo.” Kay Juancho Trivino nga kaya galing ang post na ito? Kung sa kanya nga, aba, atapang-atao pala ang binatang matangkad at kahit pa nga nagpaumanhin na siya sa ginawa niyang kabalastugan, eh ‘nagpapakatotoo’ lang daw siya.
Sige, buhay mo naman ‘yan. ‘Di na namin babasagin ang trip mo, iho. Kung wala kang napulot na aral sa iyong kahibingan, you can always charge it sa kasabihang, “You are young, you’re supposed to do stupid things,” pero sana, huwag naman mapapadalas ang pagpapakita ng mga pag-uugaling wala sa hulog at salat sa kagandahang asal.
Kung talagang magpapakatotoo ang drama mo sa buhay, itodo mo na talaga, Juancho ang tungkol sa inyo ni Maine Mendoza. May sighting na naman kayo, pareho kayong audience ng isang concert of a banyagang banda.
Ang mga tagapagtanggol niyo, ang emote, isang hindi sinadsadyang pagkakataon lang na sabay kayong lumabas sa venue. May kuha pa nga na tila nagmamadali kang lumabas at kunyari eh dinaanan mo lang ang Philippine Sweetheart.
Naku, Juancho, maling-mali ang drama niyong dalawa ni Mendoza na, ‘coincidence’ lang na sabay kayong lumabas at may chance rin na hindi man lang kayo magkatabi habang pinapanood ang LANY.
‘Yung ‘stunt’, na ganyan ‘yang mga coincidental meetings, naku, bentang-benta na ‘yan, been there, done that, alam na alam na ‘yang kunyari hindi magkasama at hindi man lang nagpapansinan, sabi nga, papunta pa lang kayo, pabalik na kami.
Kung talagang may pagtangi ka kay Maine, at kung talagang siya ang nagpapatibok sa puso mo, at siya rin ay ganu’n sa iyo, dapat tinodo niyo na ang payanig at paandar, magkahawak kamay kayong lumabas sa venue, o kaya, yakap-yakap mo siya sa bewang habang kayo ay palabas at talagang pinaunlakan niyo ang lahat na makunan kayo as a couple in various states of sweetness.
Wala na namang mawawala pa sa tambalang Alden Richards at Maine Mendoza. Alam na naman na tambalan lang talaga sila, pang-telebisyon at pelikula lamang ang kanilang labing-labing kaya dapat, kung kasintahan ka talaga ni Menggay, pangmalakasan na ang pagpapaalam mo sa lahat na ‘mahal mo siya’, wala na namang mawawala sa iyo, right?
Sabi mo nga ‘starlet’ ka lang, pero ikaw ang starlet na bumighani sa Philippine Sweetheart, hindi mo ba kayang ipagmalaki at ipagsigawan sa buong mundo ang pagmamahal mo kay Maine?
***
Julia at Nikki Gonzales pinagsabay ni Joshua?
EH ang emerging superstar on the rise kayang si Joshua Garcia, handa rin kayang magpakatotoo?
Para sa madlang pipol, malaki ang kanilang pananalig na si Julia Baretto ang irog nitong si Garcia.
Kahit nga mga hater at basher, na sangrekwa ang mga espekulasyon tungkol sa dalawa, pahiyang-pahiya matapos ang magkapareha ay may reaksyon na sila lamang ang nakaalam sa kung ano ang meron sa kanila.
“Baba” ang kanilang term of endearment at kung babasahin ang kanilang mga hanash sa kanilang mga social media account, mananalig ka na talaga na sila na nga.
And so I thought, kaso may bumulong sa aking impeachable source. Iba raw ang talaga ang minamahal nitong si Garcia. Ang tunay na nagpapatibok raw sa puso nito ay isa ring minor, minor Star Magic talent.
Isang the WHO na itatago ko sa pangalang ‘Nikki Gonzales’ ang siya raw tunay na mahal nitong si Garcia. In fairness, maganda itong si Nikki at palaban sa pagiging vavavoom.
May mga kuha ito sa kanyang Facebook page na ang suot ay two piece black bikini at talagang palaban ang kurbada nito.
Siya nga kaya talaga ang sinta ni Joshua at hindi si Julia? Well, kung sa pagandahan, hindi magpapakabog ang alindog at kariktan ni Bb. Gonzales, huh!
Kung may katotohanan ang bulong na ito, Joshua, tama ba namang mamangka sa dalawang ilog at sa iisang ilog pa man din, sa Star Magic ilog pa talaga? Giyera patani ba ang kasunod nito o Millennial Tilapya Wars? (May reaction ang isang malapit kay Joshua: “Ha? Hahahaha. Hindi, dating Girltrend siya. At may bf po siya. Patay na patay si Joshua kay Julia.
Sey naman ng kampo ni Nikki, may bf daw ito na non showbiz. –ED).