NI: Ronaline Avecilla

Naging matunog ang isyu na umano’y nagbagsak-presyo ng ta-lent fee si Maine Mendoza para makahakot ng mga endorsement.

Itinanggi naman ito ng talent manager at pre-sident ng Triple A Ma- nagement na si Rams David.

Wala umanong katotohanan ang pagbaba nila ng talent fee ng aktres. Kung ang galunggong nga ay patuloy ang pagtaas, wala rin umano silang balak na ibaba ang talent fee ng TV host-actress.

Nilinaw niya na good taxpayer ang aktres at kabilang ang alaga niya sa mga highest taxpayers sa bansa. Wala rin umanong basehan ang pagbaba ng TF ni Maine at naniniwala siya na magaling itong endorser ng mga produkto dahil ginagamit rin umano nito ang lahat ng iniendorso niya.

Malaking suliranin sa kampo nila Maine ang mga ganitong klase ng fake news lalo na at madalas na nabibiktima ang aktres. Handa naman ang ma- nagement ni Maine sa mga legal na hakbang sa oras na mahuli at mapatunayan ang mga nagkakalat ng maling impormasyon.