Maine-Carlo mahina sa takilya

Nakakabinging katahimikan ang naranasan namin nang manood kami ng Maine Mendoza-Carlo Aquino movie na “Isa Pa, With Feelings” sa Fisher Mall Cinema.

Bukod kasi sa mabibilang kami sa loob ng sinehan ay tahimik ang audience all throughout the movie at hindi nagrereak sa mga eksena.

Malungkot ang tema ng pelikula na tungkol sa dalagang hindi nakapasa bilang architect at sa deaf na binatang sign language teacher, na eventually ay nagkainlaban.

Nalungkot kami na mahina ito sa takilya, pero hindi kami nagtaka dahil hindi ito ‘yung komersyal na pelikula na para sa fans na naghahanap ng kilig at feel-good entertainment.

Ang guwapo ni Carlo at ang galing niya bilang deaf. Okey din naman si Maine, pero tila maling desisyon na nagpaka-indie siya at nag-try mag-experiment sa halip na nag-stick siya sa romcom kung saan mas klik siya.

Na-appreciate namin ang effort ng movie na ipakita ang kuwento ng mga taong walang pandinig, pero mas gusto pa rin kasi ng Pinoy audience na maaliw sila, kiligin, mainlab, mapatili, mapasaya at mapagaan ang feelings nila.

Kulang na kulang ng ganu’n sa “Isa Pa, With Feelings” na mas gustong mag-drama at mag-mood kesa mag-entertain.

Kaya pala tahimik ang kampo ng Black Sheep sa box-office figures dahil underperforming ang Maine-Carlo movie kahit well-promoted naman ito.

From a source ay P35M daw ang one week gross nito. Just for reference, ang Alden Richards-Kathryn Bernardo movie ay P34.4M ang opening day gross.

So, parang isang araw lang na kita ng “Hello, Love, Goodbye” ang kinita ng “IPWF” sa loob ng isang linggo.

Alam naming unfair na ikumpara ang dalawa, pero since gumawa rin ng sarili niyang pelikula si Maine sa Black Sheep after gumawa ng movie ni Alden sa Star Cinema, medyo inevitable ‘yung comparison sa naging resulta ng mga career decision ng dating magka-love team.

Nakakalungkot lang na ‘yung kay Alden (with Kathryn) ay naging highest-grossing local movie of all time, tapos ‘yung kay Maine (with Carlo) ay kinapos sa puwersa at hindi nagmadyik sa takilya.

Tila nagmistulang bingi ang sambayanan sa panawagan nina Maine at Carlo na suportahan ang pelikula nila. Haaayyy…

Michelle Dee pinupulsuhan ang Miss World

Sa December 14 ang laban ni Michelle Dee sa 69th Miss World pageant na gagawin sa ExCeL London sa UK.

November 19 ay fly na raw si Michelle pa-London dahil marami pa silang activities bago ang mismong coronation night.

Aminado ang 23-anyos na Miss World-Philippines 2019 na pressured siya na mai-deliver ang kanyang message sa beauty with a purpose challenge kaya doon siya nagpo-focus. Tuloy rin ang training niya para sa kanyang walk at pasarela o pagrampa niya sa runway.

Isa sa pinaghahandaan ng Kapuso actress-model-athlete ay ang fast track events. Ang biggest chance niya raw ay sa sports challenge dahil doon siya nanalo sa MWP at mahilig talaga siya sa sports.

Suportado si Michelle ng beauty queen mother niyang si Melanie Marquez bilang close silang mag-ina, pero paglilinaw niya, “I’m not trying to be the next Melanie Marquez. I’m trying to be Michelle Dee.”

Hindi pa alam ni Michelle kung anong tawag sa walk na gagawin niya dahil ibang tao raw ang dapat magbigay ng bansag doon. Pero hindi raw ito ‘Melanie walk’ dahil magkaiba raw sila ng mom niya at ‘yung personality niya ang makikita sa paglakad niya.

Michelle’s advocacy ay may kinalaman sa mental health and autism awareness. Meron pala siyang two autistic siblings, kaya bale lifelong advocacy niya ito.

Natuwa siyang naipasa na ang Mental Health Bill nu’ng 2018, ang pending pa raw ay ang Autism Bill na ina-advocate niya.

Si Francis Libiran ang designer ng kanyang final gown. Pipiliin pa raw niya ang NatCos na isusuot niya, basta sure na magpapakita ito ng ganda ng Pilipinas.

Honestly, ano sa tingin ni Michelle ang chance natin na manalo ulit sa Miss World (after Megan Young nu’ng 2013)?

“I feel like it’s very strong and that’s not just because of my personal evaluation, it’s because of the evaluation that I’ve had from other people.

“I never grew up dreaming to be a beauty queen but I do believe in myself. I believe that I have the qualities to become a beauty queen, I’ve been helping other people ever since I was young, sports is such a big thing.

“Thanks to my mom, I have the height and I have her guidance as well. I believe in their support system so much, my training camp as well, which is Aces & Queens. I feel like we have a really good chance.

“Just with the international polls, I’ve been consistently in the Top 10. So, I’m just hoping that I can continue that momentum,” sagot sa amin ni Michelle.

Ibig sabihin, kung ang nanay niyang si Melanie ay naging Miss International (nu’ng 1979), siya naman ay magiging Miss World?

“Sana po. Hopefully!” nakangiting sey ni Michelle, na anak ni Melanie sa dating aktor at businessman na si Derek Dee.

Kasama si Michelle sa cast ng romcom movie nina Ruru Madrid at Jasmine Curtis Smith movie na “Cara X Jagger” mula sa APT Entertainment.

Sobrang natuwa si Michelle dahil nagmo-motor siya sa pelikula at mahilig talaga siyang mag-motor in real life. Isa siya sa closest friends dito ni Ruru at manggugulo raw siya sa movie, na November 6 ang showing in cinemas nationwide.