Maine dumikit sa sahig

Maine dumikit sa sahig

Naaliw ang mga televiewers at netizen sa kakulitan ni Maine Mendoza sa noontime show na Eat Bulaga. Bagama’t wala ng audience ang mga live entertainment shows ngayon sa telebisyon, ‘di ito hadlang para magbigay ng aliw.

Nadikit kasi ang sandals ni Maine sa sahig ng studio . Ang nakakaaliw dito ay siya pala mismo ang nagdikit sa kanyang sarili.

Nakakita umano kasi siya ng super-glue kaya nagpasyang idikit ang suot na white sandals. Nahirapan tuloy siyang makaalis sa kinapupwestuhan kaya tinulungan pa siya ng co-host na si Rodjun Cruz. (Rona Ronda)