Masaya si Coco Martin dahil natupad na ang pangarap niyang makatrabaho si Bossing Vic Sotto. Magkasama sila sa Metro Manila Filmfest entry na “Jack Em Popoy, The PulisCredibles.” Kasama rin sa movie ang phenomenal star na si Maine Mendoza.
“Ako ang bahala sa comedy at sina Coco at Maine naman ang bahala sa manonood. Alam kong maraming followers ang dalawang ‘yan,” deklara ni Vic.
Malaki ang expectation ni Bossing kay Maine dahil siya ang mentor nito. Sabi nga ni Bossing Vic, “Sa paniniwala ko ‘pag ang isang tao may talento tamang himas lang kusang lalabas ang galing niya sa comedy at pag-arte. At ‘yun ang nakikita ko kay Maine. She’s very talented person.”
Tinanong naman si Coco kung hindi magre-react ang mga kapulisan sa filmfest movie nila.
“Okey na naman po ‘yung tungkol sa ‘Ang Probinsyano’ nagkaayos na po. Pero dito po sa ‘Jack Em Poy,’ kapag napanood nila ay tiyak na ikaka-proud nila. Pinakikita po dito ang ideal na mga pulis lalo na sa pamilya.
Ikatutuwa po nila,” pagmamalaki ni Coco.
Kasama rin sa cast ng “Jack Em Popoy, The PulisCredibles” sina Arjo Atayde , Mark Lapid, Tirso Cruz III, Ryza Cenon, ang dalawang kid sa EB sina Baste at Ryza Mae Dizon.