SA finale episode ng Destined To Be Yours, ibinuhos na ng production team ang lahat para pabonggahin ang kasal nina Benjie (Alden Richards) at Sinag (Maine Mendoza).

Si Maine mismo ang nakikipag-coordinate sa event stylist na nag-aa­yos ng wedding.

English garden and ruins ang theme ng kasal, na personal choice ni Maine.

Siya rin ang nag-request ng kantang tutugtugin para sa bridal march.

Mukhang damang-dama ni Maine ang kasalan dahil hands-on at perso­nal ng pag-aasikaso niya para rito!

***

Haplos ang bagong Kapuso show nina Sanya Lopez at Rocco Naci­no, matapos magtambal sa Encantadia.

Nasa cast din si Thea Tolentino.

May kinalaman kaya ang istorya nito sa Haplos movie noon nina Vilma Santos, Christopher de Leon at Rio Locsin?

***

Nanalo ang Kapuso telefantasya na Encantadia bilang Best Visual Effects (Long Form Cate­gory) sa Apollo Awards 2017 sa Singapore.

Sa social media post ng program manager na si Helen Rose Sese, nagpasalamat at nagpugay siya sa cast at production team ng Encantadia.

Congrats, Kapuso!

6 Responses

  1. nagugutom na naman ang hunghang na si odette na iba iba ang username, kaloka! pano mo ba nasisikmura na galing sa pang aalipusta ang nilalamon mo!