Maine humihingi ng mga libro

maine-mendoza2

Nakabalandra sa Twitter account ni Maine Mendoza ang paghingi ng libro.

Isang follower kasi ni Maine ang nag-post ng panawagan tungkol sa mga librong hindi na ginagamit na kung puwede ay i-donate na lang.

@drahciam_, “Guys baka puwedeng makahingi ng tulong this is a post from one of the teachers sa school.” At tinag nito sina Alden at Maine.

Ang panawagan ay mula sa mensahe ni Paula Jan mula sa Cavite na nalulungkot dahil unti-unti nang namamatay ang mga library sa ilang mga school sa Cavite.

Agad namang tumugon si Maine sa kanyang Twitter account at nag-tweet para sa kanyang mga follower.

@mainedcm, “Hi, Guys! Kung meron kayong mga educational books sa bahay na hindi na ginagamit baka puwedeng i-donate na lang natin para mapakinabangan ng iba.
Salamat sa tulong.”

Kamakailan lang, nag-launch ng kanyang garage sale si Maine para naman makatulong sa pagsuporta ng pag-aaral ng ilang mga estudyante. Ito ‘yung ‘Shop, Bid Donate’ project niya na pinuwesto sa Carousell.com.

Ang malilikom na pera ay ibibigay sa mga mag-aaral para maipagpatuloy nila ang naumpisahang pag-aaral. Para na rin ito sa walang kakayahang tustusan ng kanilang mga magulang ang pag-aaral nila.

Anyway, sinamba na naman si Maine ng kanyang mga follower sa panibagong tweet-for-a-cause message niya.