Maine, Julie Anne keber kay Alden

Maine, Julie Anne keber kay Alden

Chummy-chummy sina Julie Anne San Jose at Maine Mendoza nang mag-guest kamakailan si Maine sa isang Sunday musical variety show.

First time nilang mag-host together para sa segment na sponsored ng Shopee at sabi ni Julie ay sobrang okey sila ni Maine.

“Maine is such a smart, talented lady, sobra. And very nice. Okey po talaga kami,” sey ng Kapuso singer-actress.

Actually, parang chikang-chika nga sila ni Maine nu’ng time na ‘yon, eh. May naglabasang pics na parang very close sila at tila na-miss nila ang isa’t isa.

“Hindi, kasi ‘yung mga iba po kasi na gumagawa ng issue, wala naman po dapat na issue, ‘di ba? So, okey po talaga kami,” pakli ni Julie Anne.

Anong pinagchikahan nila ni Maine? Hindi naman si Alden Richards?

“Ay, hindi po! Ha! Ha! Ha! Hindi po, hindi po. Mostly work, ganu’n. Tapos, since first time namin mag-work together, nag-catch up kami kung paano namin gagawin, kasi mostly spiels po ‘yung ginawa namin.

“Medyo mabilis din po ‘yung mga pangyayari pero nakakatuwa po talaga and I’m just very, very happy.”

Actually, magkasama sila ni Maine sa Universal Records kaya puwede silang mag-collab kung gugustuhin nila at ang sabi rito ni Julie ay, “I’d love to, I’d love to.”

May ginagawa pala ngayong album si Julie na meron siyang mga naka-collab na artists.

Kasama kaya si Alden sa mga ka-collab niya na ‘yon?

“Parang hindi po. Ha! Ha! Ha! Pero nagkakatrabaho naman po kami sa Sunday show namin.”

Eh siya, posible bang mag-guest sa 10th anniversary concert ni Alden sa July sa Araneta Coliseum?

“Okey naman din po. I mean, why not? Pero wala pa naman pong invite,” nakangiting sabi pa ni Julie Anne.

Jackie ayaw patulan ang stepmom nina Kobe, Andre

Dito na sa ulit sa Pilipinas nakatira ang dating aktres na si Jackie Forster kasama ng kanyang pamilya.

Huli silang tumira sa China at masuwerte ang family niya na umalis sila roon nu’ng December bago pa pumutok ang COVID-19 outbreak sa nasabing bansa.

Ang mga gamit nila sa bahay ay nasa container at naka-lockdown doon sa China at hindi pa maipadala rito.

Ang foreigner husband ni Jackie na si Michel Franken ay handles a region, so okey lang basta nasa Asia ito.

This time, they’re here na raw for good dahil nahihirapan na rin silang magpalipat-lipat ng bansa lalo na sa mga bata. Tatlo ang anak nila ni Michel—sina Jared (13), Caleigh (9) at Yohan (4).

Aminado ang tisay na aktres na nami-miss niya ang showbiz at gusto niya raw gumawa ulit ng pelikula. Pero siyempre, dapat ay right project dahil mapapalayo siya sa mga anak niya ‘pag nagtrabaho ulit siya.

Friends na ba sila ng ex-husband niyang si Benjie Paras?

“We’re okay. Ang plastik ko naman kung sasabihin kong, ‘Yeah, we’re friends!’ We’re okay. Basta walang gulo, okey na ‘yon,” sey ni Jackie.

Active pa rin sa showbiz si Benjie. Open ba siya na makatrabaho ang ama ng mga anak niyang sina Andre at Kobe Paras?

“I don’t have any problems with him. Actually, somebody from GMA set something before and I said I would be open. That would be fun or funny pa nga, eh.

“But you know, if the time is right. And it’s not just about me, right? It’s more his side, if his side is comfortable, ‘di ba?

“I don’t know if it really makes any difference kung ano ‘yung mag-push, right?”

Si Andre ay busy rin sa showbiz career nito. Okey ba siya na makatrabaho si Benjie at si Andre?

“Yeah, that would be fun. It would give me a reason to see him (Andre) regularly. So that would be exciting if it happens. We’ll see.”

Last time ay magka-date ang mag-inang Jackie at Kobe sa debut ng anak ni Karla Estrada na si Magui Ford Planas.

Mas madalas silang nagkikita ni Kobe, pero okey din daw sila ni Andre. Private lang daw si Andre at nirerespeto niya ‘yon.

Nag-unfollow nga raw muna siya rito nu’ng time na naguguluhan pa ito. Binigyan niya ito ng time at ayaw niya itong ma-pressure.

Obviously ay hindi niya niya nakikita nang regular si Andre na gaya ni Kobe. Busy raw kasi si Andre, sabi ni Jackie.

Wala bang pagbabawal mula sa stepmother nito na misis ni Benjie?

“I don’t know. And ayoko nang bigyan ng kahit anong kulay pa because everything is okay na and what happens, happens. And you know what? They’re adults now.”

In fairnesss ay may bonding naman daw sina Jackie at Andre na silang dalawa lang, hindi lang nila ito pinu-post sa social media.

PAK!!