MAINE, KINARGA NI ALDEN HABANG NAGSI-SING ALONG

Maine at Alden
Maine at Alden
Maine at Alden

STAR-STUDDED at jampacked ang A Head Full of Dreams concert ng Coldplay sa MOA Concert Grounds nu’ng Martes nang gabi.

Magkasamang nanood sina Alden Ri­chards & Maine Mendoza na ang aga dumating sa ve­nue.

Sobrang natuwa ang AlDub fans nang makita ang dalawa sa concert, lalo na nu’ng kargahin ni Alden si Maine sa kanyang balikat at sabay silang nag-sing along kay Chris Martin sa hit song na Yellow.

Lakas maka-good vibes ng mga bida ng Destined To Be Yours na super-enjoy sa concert, lalo na ang Coldplay fanatic na si Maine na sa Amerika unang napanood ang concert tour na ito ng paborito niyang banda.

Sa dami ng showbiz couples nu’ng gabing ‘yon ay ang AlDub lang ang may ‘kargahan moment’ na sobrang ikinakilig at ikinatuwa ng mga nakakita.

Nag-tweet si Tisoy ng colorful shot ng confetti shower na mga braso at kamay lang nila ni Meng ang makikita sa pic.

“A head full of dreams…indeed,” ang caption dito ni Benjie ng DTBY.

Si Sinag ng DTBY ay nag-tweet ng, “Yeah I live for this feeling, this everglow.”

Pagdating pa lang nila sa venue ay pinagkaguluhan na ng fans sina Alden at Maine.

Hanggang nu’ng p­alabas na sila after the show ay kailangan nila ng security dahil dinudumog sila ng mga tao.

***

TONI, PAUL, DANIEL at KATHRYN
TONI, PAUL, DANIEL at KATHRYN

Present ang iba pang power loveteams at coup­les na hindi pinalampas ang first ever concert sa ‘Pinas ng sikat na British rock band.

Magkasama ang Kapamilya Teen King & Queen na sina Daniel Padilla & Kathryn Bernardo.

May pic ang KathNiel kasama ang mag-asawang Toni Gonzaga-Soriano at Paul Soriano.

May kuha rin sila kasama ang katabi nila sa VIP section na si Do­minic Ochoa with makeup artist wife Denise Go-Ochoa.

May pic si Kath na para siyang batang tuwang-tuwa na sinasalo ang isa sa malalaking lobo na pinagpasa-pasa­han ng crowd.

“‘And if you were to ask me, after all that we’ve been through. Still believe in magic? Oh, yes I do. Of course I do.’ What a night. I can’t believe this just happened,” ang caption ni Kath sa pinost niyang multiple pics sa Instagram.

***

DINGDONG, MARIAN, LJ at PAOLO
DINGDONG, MARIAN, LJ at PAOLO

Spotted din sa Coldplay concert sina Dingdong Dantes & Marian Rivera kasama sina Paolo Contis & LJ Reyes;

Anne Curtis & Erwan Heussaff with Nico Bolzico na hindi ka-join ang misis na si Solenn H­eussaff dahil may trabaho ito;

Dennis Trillo & ­Je­nnylyn Mercado, P­iolo Pascual & Shaina Magdayao kasama ang anak ni Piolo na si Iñigo at si Bb. Joyce Bernal;

Sarah Geronimo & Matteo Guidicelli na kita sa mga pic na na-enjoy that night ng AshMatt ang kanilang paboritong banda;

Joshua Garcia & Julia Barretto kasama ang bagong BFF ni Julia na si Erich Gonzales;

Angel Locsin and ‘wifey’ Bubbles Pa­raiso with friends Raymond Gutierrez & Paolo Pa­raiso.

Nandu’n din ang mag-asawang Jericho Rosales & Kim Can Jones, Karylle & Yael Yuzon, John Prats & I­sabel Oli, Kaye Abad & Paul Jake Castillo, B­ianca Gonzalez & JC Intal, Kuya Kim Atienza & Felicia Atienza, at Aiza Seguerra & Liza Diño.

Naki-sing along din sa mga awitin ng Coldplay ang mag-sweethearts na sina Iza Calzado & Ben Wintle, Maxene Magalona & Robby Mananquil, Jeremy Marquez & Gwen Zamora, Julian Trono & Ella Cruz, at Rodjun Cruz & Dianne Medina.

Si Ruru Madrid ay hindi si Gabbi Garcia ang ka-bonding sa concert kundi ang Encantandia co-star nito na si Mikee Quintos.

Si Rayver Cruz ay kasama ng kapatid na si Rodjun at ng kaibigan nilang si Ara Mina.

Friends din ang kasama nina Zanjoe Marudo, Isabelle Daza, Pops Fernandez, JC de Vera, Gabby Eigenmann, Sef Cadayona at Jackie Rice.

Panay ang tili ni Janine Gutierrez with her girl friends, tapos ay sobrang kinilig sila nang pumuwesto malapit sa kanila ang Coldplay.

Super-tili at super-sing din ang mag-beshie na sina Bela Padilla at Yassi Pressman.

Si Ellen Adarna ay pinagtripan ‘yung isang malaking lobo na kunwari ay hinihipan nito.

***

Ang daming naaliw nang makita si Chris Martin na nagba-bike papunta sa venue, tapos ang bandmates niya ay sakay naman ng isang jeep na biyaheng Malibay-Li­bertad.

Grabe ang hiyawan ng crowd nang sabihin ni Chris na babalik sila ng Pilipinas!