Maine, kinilig kay Piolo

maine-piolo
maine-piolo
Maine at Piolo

NAKABALIK na ng bansa si Maine Mendoza at nu’ng Sabado ay gumora si Meng sa isang BDO event sa Biñan, Laguna.

Nagkita sila roon ng kapuwa niya BDO endorser na si Piolo Pascual at kiligers si Menggay nang maka-face to face niya si Papa P!

Nakita namin ‘yung video na kuha backstage na nilapitan ni Piolo si Meng at parang nagkahiyaan pa nang slight ang dalawa.

Pero halata mong kinilig si Menggay, na ang laki ng ngiti.
In fairness ay behave siya sa harap ni Papa P at girl na girl.

Nagbeso sina Maine & Piolo at nagpapiktyur na magkasama. Ang saya ng mga tawa at ngiti ng dalawa, na first time nagkita in person.

Winelkam ni Papa P sa BDO family si Meng.

Ka-join ng Kapamilya hunk sa nasabing event ang close friend nitong si Bb. Joyce Bernal, na nagdirek kay Maine sa ‘God Gave Me You’ episode ng Lenten Special ng Eat Bulaga.

Kasabay ni Meng na bumalik mula Europa si Alden Richards, pero wala sa Biñan si Tisoy dahil solo endorsement ni Meng ang BDO.