Maine, luhaan sa concert ng Coldplay

Maine Mendoza

HAPPIEST GIRL on the planet ang pakiramdam ni Maine Mendoza nang matupad ang pa­ngarap niyang mapanood nang live ang paborito niyang banda na Coldplay.

“I am the happiest girl on the planet right now. You are amazing in so many ways, Coldplay.

I love you so much,” ang umaapaw ang sayang tweet ni Maine matapos manood ng A Head Full of Dreams concert tour ng nasabing British rock band sa Rose Bowl Stadium sa Pasadena, Cali­fornia.

CRYLALOO si Menggay nang awitin ng sikat na banda ang hit song nilang Yellow.
Nakunan ‘yon ng vi­deo ni Celeste Tuviera na pinost nito sa Instagram.

“When you’re right at the very moment. When you know that a dream has become reality. This is precious, Maine,” ang caption dito ni Celeste sa IG.

Bukod kay Celes, kasama ring nanood ni Meng ng Coldplay concert ang sister niyang si Coleen Mendoza at sina Ms. Jenny Ferre at Direk Poochie Rivera ng Eat Bulaga.

The day before ay nanood muna sila ng concert ni Adele sa Staples Center sa LA.

Panay ang Snapchat ni Maine habang nagaganap ang jampacked concert ng Coldplay. Parang buong show ay gusto niyang i-video at i-share sa lahat ng followers niya.

Tili rin siya nang tili at sobrang hyper habang nagaganap ang palabas.

Ang sabi niya sa Twitter, “The show was spectacular! Couldn’t help but Snap for I wanted you guys to see how magnificent my favorite band is.”

Sa Instagram ay me­ron pang poem si Meng sa pinost niyang pic nang kunan niya ang Coldplay sa stage.

“Seeing you was a dream come true. I call it magic, an adventure of a lifetime. Your voice made me shiver.

“Your songs filled the sky full of stars. And the way you sing give nothing but sparks.

“Time came a-creepin’ still it was a beautiful night. Stars were shining down on you as God put a smile on my face.

“As I shed tears like a waterfall, you left me.
“The kid who was always in trouble. The girl who is in her little bubble.

“The lady with a head full of dreams. With nothing but a feeling. A feeling within me. An afterglow.”

Regalo ng manager niyang si Mr. Tony Tuviera ang concert tickets at biyaheng ‘yon ni Meng.

Ilan sa hit songs ng Coldplay bukod sa Yellow ay Fix You, The Scientist, A Sky Full of Stars, Speed of Sound, Viva La Vida at Pa­radise.

Balitang may Manila leg ang nasabing concert tour ng Coldplay sa 2017, na tiyak na hindi rin palalampasin ni Maine!