PAKANA ni Alden Richards ang magkaroon ng MISS GAY beauty contest para sa production staff ng Destined To Be Yours kaya ang saya ng kanilang after party pagkatapos ng last taping day nila nu’ng Lunes.

Sa nakita naming pics ay 11 na beki staff na karamihan ay makeup artists ang sumali sa pa-Miss Gay sa malayong location nila sa Quezon, malapit sa Mt. Banahaw.

Kinarir ng mga baklush ang kanilang mga long gown at patalbugan sila sa kanilang hair & makeup.

Tawang-tawa ang mga artista sa swimsuit competition na walang takot na nag-skimpy swimwear ang mga hitad na kandidata habang nakaipit ang mga ‘keps’ nila.

Ang dinig namin ay P20K ang ibinigay na premyo ni Alden sa baklush na nanalo ng title.

Meron din itong 1st at 2nd Runner-up.

Ang tsika sa amin ay ang laki ng nagastos ni Alden sa pa-Miss Gay na ‘yon at sa iba pang papremyo sa party kaya tuwang-tuwa ang production people.

For sure, bongga rin ang binigay ni Maine Mendoza dahil ang dinig namin ay pinagsama-sama ang mga cash na ga­ling sa DTBY cast para maipon at malaki ang maipa-raffle.

Kahit panay ang ulan sa lugar na ‘yon sa ‘Pelangi’ ay hindi napi­gilan ang kanilang kasiyahan kinagabihan.

Kinunan muna nu’ng hapon ang highlight na wedding scene nina Benjie (Alden) at Sinag (Maine).

Pinakiusapan ang lahat na huwag kumuha ng pictures doon sa ginanap na kasalan, pero malamang may mga nakapagkuha pa rin doon sa set dahil mahirap makontrol lahat.

Ang ganda raw ng wedding scene nina Alden at Maine, na mapapanood bukas sa finale episode ng DTBY.

Dahil nasa bundok sila na ang layo ng pinakamalapit na tindahan, pahirapan daw ang alak doon sa after party.

Buti na lang at may giveaways na mga bote ng wine si Mr. Tommy Abuel sa mga co-star nito, so ‘yun ang ininom nila para masaya ang party.

Wine kete wine din sina Janice de Belen, Lotlot de Leon, pati yata si Alden at iba pang cast.

Ang cowboy na si Maine, ang ininom daw ay tuba.

‘Yun yata kasi ang marami sa lugar na ‘yon kaya madaling hanapin.

Mukhang nagkaroon ng bagong close friends si Maine kina Sheena Halili at Juancho Trivino dahil sa DTBY.

Lumalabas at nagba-bonding sila kahit outside work, so hindi lang sila taping friends.

3 Responses