Ngayong proud na idinispley na ni Maine Mendoza ang kanilang picture together ng rumored boyfriend na si Arjo Atayde, may mga humanga sa pagpapakatotoo at katapangan ng Dubsmash Queen.
Gayunpaman, marami rin ang nainis lalo na ang AlDub fans na hanggang ngayon ay hindi pa rin sumusuko sa idea na eventually ang kanilang mga idolo pa rin ang magkakatuluyan sa tunay na buhay.
Hindi naman nakaligtas sa obserbasyon ang mga netizen ang tungkol sa weakness ni Maine pagdating sa mga lalake.
Talagang type raw nito sa mga guy ang may dimples.
May common denominator sina Alden at Arjo dahil pareho silang bedimpled.
Maaari raw hindi sinadya ito pero hindi maikakailang isa ito sa mga hilig ni Maine pagdating sa pagpili ng dyodyowain.