Maine, MALAYO pa sa level nina Maricel, Dina & Cherie

KAILAN kaya hihinto ang negative write ups about Maine Mendoza?

Mukhang walang tigil putukan na mangyayari at tila of escalating proportions ang mga pagpuna sa kanya.

Ang nakakabahala, may katotohanan bang aside from her usual bashers and haters na anonymous at The WHO, may mga Alden Richards fans na in agreement sa “we hate Maine Mendoza” campaign?

Hindi lang daw sila silently nagbubunyi sa mga hanash at kuda versus Mendoza, open na open ang kanilang disapproval sa dalagang Bulakenya.

Marami ring entertainment writers ang tila hindi nagustuhan ang “I am not here to please everybody” sentiment ni Maine sa kanyang blog kaya maraming gigil na gigil sa bibang Dubsmash Queen.

Ang po­wers that be that surround Maine, may concrete steps kaya silang gagawin para kahit paano ay mag-stop in the name of love muna ang mga hindi kainamang tiktak about her?

Of course, we are not expecting to Maine to kiss and lick the asses of those who bite her, she can kill them with kindness right and siguro, we don’t need to count the many ways on how she and her team must do it.

Dapat aware si Maine na kahit paano as a public figure, she knows how to charm the people na kritikal sa kanya at dapat sinsinero ang pagre-reach out niya sa mga ito.

Hindi pwedeng wa ako care and I don’t need them in my life attitude.

Mendoza must know na there is power in perception.

And if the people perceive her as a flash in the pan bitch na akala mo kung sinong superstar na kung umasta, kasi ‘yun ang la­ging nababasa about her … siya rin ang kawawa.

Before they know it, gone in 60 seconds, lost in translation at lost in space ang paghanga sa kanya.

Alden Richards
Alden Richards

She cannot afford to anta­gonize the press by declaring, “This is me, so freaking deal with it.”

Hindi pa niya ka-stature sina Maricel Soriano, Dina Bonnevie or Cherie Gil na we love them for being totoo and being mataray na may point.

Ang diva that you love, nirerespeto ang pagiging authentic ni Maine.

But her authentic self must be one tough cookie dahil tiyak na tiyak na hindi titigil ang panlilibak at masasakit na opinyon about her.

I don’t think she needs to apologize for being truthful, what she must do is to be more embracing, especially to the people who do not like her.

Kindness begets kindness, after all.