Regine Velasquez-Alcasid and Baby Nate
Regine Velasquez-Alcasid and Baby Nate

BABY Ambassador ang tawag ng PLDT Home kay Nate ­Alcasid, ang bibong anak nina Regine Velasquez-Alcasid at Ogie Alcasid.

Kahapon ay first time nag-presscon ni Nate para sa bagong Smart Watch ng PLDT Home.

4 years old na si bagets, nasa Kin­der na at mas nakakaintindi na, kaya keri na nitong humarap sa press with his mom.

Bale 4th endorse­ment ito ni ­Natey Boy, na enjoy sa TVC shoot nilang mag-ina kung saan nakalaro pa nito si Baeby Baste ng Eat Bulaga, na baby ambassador din ng PLDT Home.

Ine-explain lang ni Regine na magwu-work si Nate at naiintindihan na nito.

Behaved si ba­gets, marunong makinig sa instructions at kahit playful pa rin bilang bata ay sumusunod ito sa direktor. Kaya sey ni Reg, puwede na talaga itong pagkakitaan.

‘Yung suweldo o ba­yad kay Nate ay hindi sinasabi ni Regine sa anak niya.
Ayaw niya kasing isipin ni bagets na porke may pera ito ay puwede na nitong bilhin kahit anong gusto nito.

Basta, nakaipon daw lahat ng kita nito sa endorsements.
‘Katuwa ang ba­gets, na ang alam sa sarili niya ay isa siyang famous na artista.

Anong feeling ni Nate na kinuha siyang baby ambassador ng PLDT Home Smart Watch at Telpad?

“I’m ­happy. Thank you, PLDT,” ang sagot ni ba­gets.
Sey ni Mommy Reg, aware si Nate sa industriya nila ni Ogie, pero parang hindi showbiz ang gusto nito.

Parang iba ang type ni bagets dahil sobrang hilig nito sa eroplano, na saulado nito ang mga kulay ng iba’t ibang airlines.

Mahilig din ito sa maps, flags at ­weather. Gusto ni Nate ang ­weatherman na si Mang Tani.

Magaling din itong magbasa. Nalelerky si Reg dahil binabasa na nito ang text message sa celfone niya.

In fairness ay pala­ging kumakanta si Booboo sa bahay. Kaya raw ito nahahanap ni Reg sa house ay dahil sinusundan niya ang boses nito.

Naaliw kami sa pagka-hyper ni Nate sa presscon, na nilalaro nito ang mga mic ng TV crew na nag-iinterbyu sa kanilang mag-ina.

Tapos ay napagdiskitahan nito ang mga lobo na pahaba ang hugis. Ang sabi ni bagets, parang PUTOTOY ang mga lobo! Tawa nang tawa si Regine.

“Normal lang ‘yon (putotoy), meron nga siya nu’n, eh! Ha! Ha! Ha!” halakhak ni Songbird.

Solenn Heussaff
Solenn Heussaff

Crush ni Nate sa showbiz sina Maine Mendoza, Marian Rivera at Solenn Heussaff.­ Mana raw ito sa tatay na si Ogie, na mahilig sa magagandang babae.

Sa tanong namin kung naghahanap na ito ng kapatid na makaka­laro, ang dayalog ni Reg ay laging may mga bisita si bagets sa bahay. Iniimbita nito ang mga kaklase at kaibigan.

Nang tanungin niya ito, ang sabi raw ni Nate ay ayaw nito ng kapatid.

“Kasi, meron na raw akong baby at siya raw ‘yon. At sabi niya, ‘Di ba, I’m a good baby, mom?’ May mga kalaro naman daw siya, eh,” pakli ni ­Mommy Songbird.

Paalis sila papuntang Japan, so mas magiging useful kay Nate ang Smart Watch dahil kahit namamasyal sila ay hindi mag-aalala si Reg na mawala si bagets dahil konting layo lang nito ay tutunog o magba-vibrate ang watch.

Tapos ay puwede ring tawagan ni Reg ang ­hi-tech na relos.

Paborito rin ng mag-ina ang Fam Cam ng PLDT Home, na ginagamit ni Reg lalo na ‘pag buong araw siyang nasa trabaho. Dahil dito ay namo-monitor at nakakamusta niya si bagets.

Nakikita niya pa ito habang magkausap sila. Ngayon ay ‘yung bagong Smart Watch ang favo­rite gadget ni bagets dahil puwede ring maglaro ng games dito, mag-take ng photos, mag-play ng music at mag-record ng voice messages. ­